Pano ba gumawa ng masarap adobo alam natin na lahat tayu ang nakakain na nang adobo lalo na tayung mga pinoy dahil masarap ito. pero alam natin na tayung mga gumagawa ay may sariling style sa pagluluto nito..
ituturo ko sa inyo ang simpleng pag gawa ng adobo.
kailangan lang natin ng
.manok .suka .laurel .asin .isang basong tubig .patatas
.sibuyas .toyo .paminta .asukal na pula .magic sarap
.bawang .sili(dipinde lang sayu) .1 kutsarang corn starch
Paraan sa pagluluto:
- Pagsama-samahin sa isang kaserola o pan ang manok, toyo, suka, laurel, paminta buo,3 piraso bawang dinurog, sibuyas na kalahati e marinade ng magdamag o isang oras at pakuluan ito ng mga 10 minutes sa mahinang apoy para ang lasa nya tlagang lumabas
- Isalang ang kawali at ilagay ang mantika. Iprito ang patatas
- Igisa ang manok na pinakuluan papulahin ang natirang bawang at sibuyas at kapag mapula na ihulog ang pinakuluang manok at hayaan sya na medyo ma fried sa sariling mantika at sa pinag pritohan ng patatas.
- Ilagay ang sabaw ng pinagpakuluan ng manok at dagdagan ng isang basong tubig.
- Hayaan kumulo ng 10minuto at lagyan ng cornstarch para ito ay lumapot at makintab tignan
- Timplahan ng asin at asukal
- Lagyan ng magic sarap at ilagay ang patatas
- at hanguin ito at itabi
- at lagyan ng sili dipinde sayu


